Filipino.biz.ph - Philippine Culture

History Search

Home | Tourism | Showbiz | Culture | Trivia | History | Arts | Churches | Related Products | Directory

        The Filipino Spirit
        A Popular History
        The Evolution of the Philippine Flag



ANG SENTENYAL NG BANSANG PILIPINO
A 100-year Popular History of the Philippines
in Filipino Verse

    Isang daang years ago, sa isla ng Pilipinas,
    Naisipang gumimik ang Pinoy, sumubok maka-alpas.
    Sa kadenang nakatali, sa bansa ng Kastila,
    Upang ipakita sa mundo, ang pagnanais maging malaya.

    Itinuloy nila ang himagsikang, sinimulan sa beach ng Cebu,
    Sa pamumuno ng kanilang big boss, also known as Lapu-lapu.
    Nakita nito si Magellan, naghahanap ng masisilungan,
    Nakursunadahan ng promdi, nauwi sa saksakan.

    Bumilib ang dayuhan, umuwi sa pinanggalingan,
    Dahil sa takot nito, buong mundo inikutan.
    Carramba!, sabi ni Philip, hindi puwedeng ganyan,
    Balikan nga natin, ipakita ating katapangan.

    Sa next four hundred years, napailalim sa Espanya,
    Pilipinas umabante, lalo na sa pananampalataya.
    Dumami sa atin, mga mestiso at mestisa,
    Natutong mag-este-este, ngunit hindi pa rin malaya.

    Hanggang isang taga-Laguna, dakilang anak ng Calamba,
    Inudyok ng kanyang kuya, naisipang mag-ibang bansa.
    Siyang naging modelo, ng libu-libong DH at OCW,
    At ng mga numeraryong kumukuha, ng PhD sa Navarra U.

    Ang national hero nating si Joey of Calamba,
    Dumaan ng Hong Kong at India habang patungo sa Europa.
    He took by storm Ma-drih, Pa-rih, nakarating ng Alemanya,
    Nag-aral ng medisina, umakit ng iba't-ibang dalagita.

    Sa kanyang free time, si bayani ay sumulat,
    Ng isang nobela, na sa korona'y masakit ang kagat.
    Umaray ang hari, pinadakip si Rizal,
    Pina-uwi sa Pilipinas, sa Luneta huling nagdasal.

    Aba, no puede esto, sigaw ng dakilang Pilipino,
    Hindi lang si Joey puwedeng bayani dito.
    Magiting din kami: sabi ni Mars, Puling, at Andy,
    Sinamahan sa koro, mga sundalong Emil, Greggy, at Tony.

    Dahil mga bagito, hindi magaling magplano,
    Kaya himagsikang Katipunan punong-puno ng gulo.
    Pati nga si Andres, who failed in the heroic minute,
    Hindi kayang manalo, sa mga bakbakang maiinit.

    Sabi nila: Teka muna, kailangan natin ng utak,
    Para hindi tayo parang mga manok, na pupugakpugak.
    Dedbol na si Joey, kaya si Puling ang nag-take-over,
    With da bagets Emil Jacinto, siya'y naging strategic planner.

    According to Mabini, the key objective should be:
    Elect the President first, at saka na yung country.
    Nagmula sa Kawit, Cavite ating unang pangulo,
    First name niya ay Emilio, ang apelyido - Aguinaldo.

    But as usual in Pinoy politics, maraming inggitan,
    Dagdag-bawas!, sigaw ni Andres, kaya siya'y pinag-initan.
    Dinala sa Mount Buntis, sa isang sulok ng Cavite,
    Ginawang target practice, inilibing sa Ternate.

    OK na sana nakamtang, kalayaang Pilipino,
    Dahil walang CNN di nakita, dumarating na mga amerikano.
    Lumusob si Dewey, pinalubog ang Armada,
    Pagkalipas ng isang oras, we were a part of America.

    Apatnapung taon tayo sa ilalim ng U.S.,
    Natutong mag-Baguio, at gumamit ng Ingles,
    What a life! What a joy! sigaw ng mga Pilipino,
    Di nila alam, papalapit nang mga taga-Tokyo.

    Sumalakay ang mga sakang, inuna ang Pearl Harbor,
    Sinunod ang Pilipinas, because we were a Yankee Protector.
    Limang taon din tayo, napailalim under the Hapon,
    Ang masaklap na nangyari, naubos ating mga hipon. (ginawang tempura)

    After matalo si Hitler, next naman si Yamashita,
    Nang mapatakan ng atom bomb, ang bayan ng Hiroshima.
    Ang landing ni MacArthur, sa Leyte ay sumunod,
    Kung saan si Romulo, muntik nang malunod.

    Natapos ang digmaan, pinalaya tayong muli,
    Dahil sabi ni Quezon: either that or you'll be sorry.
    So on July 4 ibinaba, ang US stars and stripes,
    Itinaas naman ang ating bandila, because the time is ripes. (pilit)

    Nagsimula na ang sirkus sa bansang Pilipinas,
    Every 4 years eleksyon, mga dilihensiya nagsisilabas.
    Unang nahalal ng tao, si pangulong Roxas,
    Mukha nito ngayo'y nandun, sa perang kulay ubas.

    Sinundan siya ni Quirino, the father of jueteng,
    Pagkatapos si Magsaysay, whose death we are still regretteng.
    Ang VP nitong si Garcia, sa kanya'y pumalit,
    After him si Macapagal, na dalawa ang waswit. (byudo kasi)

    1950s at 60s, ekonomiya'y top two sa Asia,
    Ang bansa isang paraiso, parang extension ng Amerika.
    Exchange rate 2 to 1, ang GNP growth double digit,
    Kaya lumabas na naman sa eskena, mga may intensyong pangit.

    1965 naging pangulo, ang kababayan kong si Ferdie,
    Meron palang asawa, mahilig magsuot ng Gucci.
    Inubos ang sapatos sa Marikina, which is a very sad story,
    Naasar ang mga tao, hanggang napalayas ni Cory.

    Ang unang ginawa ni biyuda, palitan ang Constitution,
    Ibalik ang demokrasya, restore the dignity of the person.
    Nagsulputan ang mga flyover, sa buong Metro Manila,
    Naging parang Enchanted Kingdom, ang kahabaan ng EDSA.

    Malaya nga tayo, pero wala namang koryente,
    Kaya dumami ang kudeta, mga sundalong rebelde.
    Nagsara ang mga bases, pinauwi ang mga sundalo,
    Nagkalindol din sa Baguio, pumutok ang Pinatubo.

    Sa 1992 naman, kamuntik manalo si Brenda,
    Buti na lang dehins, kundi we wouldn't know what hit yah.
    Lumabas na new President, ang sundalong si Eddie,
    Si-nolb ang mga problemang bayan, unang-una si Baby.

    Hanggang bumagsak ang Thai baht, akala nating kababayan,
    Ok na ang Pilipinas, tuloy na ang kaligayahan.
    Nakalimutan ng marami, what every Filipino should remember,

    Hindi tayo puwedeng mag-relaks, from January to December.

    Kaya ngayong Sentenyal, dapat nating tandaan,
    Ang dugong bayaning dumanak, malalim ang kabuluhan.
    Katarungan para sa Bayan pinaglaban nila ng buong hirap,
    Upang ihanda sa darating na taon, ang pagkapangulo ni Erap.

    Sibat na, mga kapatid!!!

Footnotes:

  • Zaide, G., Philippine History, Manila, 1974.
  • Agoncillo, T., History of the Filipino People, Manila, 1982.
  • Coppleston, F., History of Philosophy, Washington, D.C., 1960.
  • Dawson, C., Two thousand years of Christianity in the World,London,1968.
  • Kennedy, P., The Asian Century, New York, 1986.
  • Shumacher, J. History of the Church in the Philippines, Manila,1967.
  • De Torre, J., Modern Philosophy, Manila, 1984.
  • Aquinas, St. Thomas, Summa Theologiae, London, 1965.

This lecture on Philippine History was first delivered at the 578th World Congress on Historical Analysis, held in Namibia, West Africa, from 17 November to 21 December 1997, sponsored by the World Wildlife Foundation, the Global Bonsai Society, and the Red Cross Foundation.

Proceeds from the Lecture will be used to improve the Amazon Jungle and to save the talking snake (aka politicians).

This poem is so popular it was received by the webmaster six times in three days by e-mail, with incomplete credits. If anybody knows if this was a true lecture, or if anyone knows the details behind this poem, please write to the webmaster@msc.net.ph. We would very much like to give recognition to the witty author.

Top History Links

Philippine Centennial
Heroes of the Revolution
Unsung Heroes
The Katipunan
Mga Pangulo ng Pilipinas
Philam War Documents
Philippine Revolution Documents

Filipino Spirit

Evolution of the Filipino Flag
Panatang Makabayan
Pledge of Allegiance
1956: Lupang Hinirang (Filipino)
1934: Philippine Hymn (English)
1899: Filipinas (Spanish)
1898: Marcha Nacional(melody)
Bayan Ko
Ads by Kabayan
Filipina Beauty
Secrets, Tips and Tricks.
For the Beautiful Filipina
www.Filipina-Beauty.biz

Ads by Kabayan
Pinoy Showbiz
Filipino Celebrity Profile, News
Angel, Kim Chiu, John Lloyd, Piolo
www.Pinoy-Showbiz.biz
Ads by Kabayan
Philippine Tourism
How to have fun visiting
The 7,107 Philippine islands
www.Philippine-Tourism.biz
Filipino.biz.ph - Philippine Culture

Filipino.biz.ph Recommends

Laguna Business Directory

Laguna Business Directory - The complete business directory for businesses in Laguna, Philippines.

Pinoy Food

Tunay na Lasang Pinoy - Savor traditional Pinoy food.

Be Naturally Beautiful with Splash Products

Filipina Beauty - Be naturally beautiful with Filipina beauty secrets and beauty products

Austrian Swarovski Pearl Rosary Necklace

KC Gems Elegant, inexpensive hand-made bead accessories perfect for you or as gifts for your loved ones.

Filipino.biz.ph - Philippine Culture